BANGHAY
ARALIN
|
|||
Pangkalahatang
Impormasyon
|
|||
May
Akda
|
Hindi inilahad
|
||
Pamagat
ng Aralin
|
Ang
Pag-unlad ng Nasyonalismo
|
Durasyon
|
45 minuto
|
Lugar
|
Silid Aralan
|
||
Asignatura/Paksa
|
Araling
Panlipunan III
|
Baitang
|
Ika-9 na Baitang
|
Layunin
at Pagsusuri
|
|||
Mga
Layunin
|
|
||
Pagsusuri
|
|
||
Paghahanda
|
|||
Kagamitan/
Sangunian
|
|
||
Paghahanda
ng mga Mag-aaral
|
·
Pagbabasa ng mga impormasyon patungkol sa
nasyonalismo.
·
Paghahanda ng presentasyon patungkol sa paksang
itinalaga ng guro sa bawat grupo.
|
||
Paghahanda
ng mga Guro
|
·
Pangangalap
ng mga impormasyon na may kinalaman sa aralin.
|
||
Pamamaraan
|
|||
Gawain
ng mga Mag-aaral
|
Panimulang Gawain
Pangkatang Gawain
|
||
Gawaing
Guro
|
Panimulang Gawain
Pangkatang Gawain
Pangkalahatang Gawain
1.
Para sa iyo, ano ang kahulugan ng
nasyonalismo?
2.
Ano ang mahahalagang pangyayaring
nakapagpalaganap ng nasyonalismo sa Europa at Kolonya?
3.
Anong mga pagbabagong dala ng
nasyonalismo sa Pilipinas?
4.
Sinu-sino ang nagpalaganap ng diwa
ng nasyonalismo sa Asya, Latin Amerika at Aprika?
|
Inihanda Nina:
Theresa Perly A. Aquino
Rose Analyn H. Magculang
(Mga Guro)
Sinuri
ni:
SHERYL R.
MORALES, Ph.D
Punung-Guro
Pagsusulit:
Suriin
at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang
papel ang katumbas na tamang titik.
1.
Ito ay isang kasulatang naglalaman ng mga karapatan at kalayaan. Itinuturing
din itong Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles.
A.
Bill of Rights
B.
English Common Law
C.
Magna Carta
D.
Writ of Habeas Corpus
2.
Namuno sa hukbong Pranses at nagpamalas ng kabayanihan na gumising sa damdaming
makabayan ng mga Pranses.
A.
Elizabeth I
B.
Indira Gandhi
C.
Joan of Arc
D.
Marie Antoinette
3.
Sa panahon ni Philip IV, Philip the Fair noong 1302 ang Estates
General ay nagkaroon ng tatlong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang hindi
kabilang sa
pangkat?
A.
Alagad ng simbahan
B.
Commoners
C.
Franks
D.
Maharlika
4.
Ang Vox Populi, Vox Dei ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno ayon
sa paniniwalang:
A.
Ang karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
B.
Ang mga hari at reyna ay hinirang ng Diyos para mamuno.
C.
Ang tagumpay ng mga maharlika ay tagumpay ng Diyos.
D.
Ang tinig ng nakakarami ay tinig ng Diyos.
5.
Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa patakarang pang-ekonomiya na nagging dahilan
ng paghihimagsik ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika, maliban sa:
A.
Ang Intolerable Acts na tungkol sa di makatarungan at paglabag ng mga
Ingles sa karapatang Amerikano.
B.
Ang Navigation Acts na nag-uutos na sa Britanya lamang maaaring ipagbili
ang mga produkto ng kolonya.
C.
Ang Stamp Act na nagtakda ng pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo.
D.
Ang Townshend Acts na nagtakda ng paglikom ng salapi at paghihigpit sa
mga kolonya.
6.
Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me liberty or give me death ay
nagpasiklab sa:
A.
Himagsikang Amerikano
B.
Himagsikang Pilipino
C.
Himagsikang Pranses
D.
Himagsikang Russo
7.
Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa mga larangan ng Rebolusyong Pangkaisipan?
A.
Agham, pulitika, sining, at kabuhayan
B.
Maharlika, alagad ng simbahan, at mga karaniwang tao
C.
Mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberanya
D.
Pabahay, pagkain, at edukasyon
8.
Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga
mamamayan sa India, maliban sa isa:
A.
Paghamak at mababang pagtingin ng mga Ingles sa mga Hindu
B.
Pagkakaroon ng mga pagpupulong at samahan na pinamunuan ng tulad nina Allan
Octabian Hume at Mohandas Gandhi
C.
Pagpatay sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab
D.
Pagtataguyod ng Muslim League sa Basic Democracy na nagpapatatag sa mga
institusyon ng bansa.
9.
Ang mga sumusunod na pangyayari ay mga dahilan sa panunumbalik ng demokrasya sa
Pilipinas, maliban sa:
A.
Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng 1987
B.
Pagpapatupad ng Batas Militar
C.
Pagpaslang kay Sen. Benigno Aquino
D.
People’s Power Revolution sa Edsa
10.
Ang gitna ng Aprika ay nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang
sa pagsapit ng 18-siglo dahil sa malawak na disyerto, malalakas na agos ng
ilog, makapal na kagubatan, at malalaking hayop. Samakatuwid ang Aprika noon
ay:
A.
hindi kayang talunin ng mga taga-Europa dahil ang mga mandirigma ng Aprika
mahuhusay sa sandatahang pandigma.
B.
kontrolado ng Ehipto dahil tanging ang Ilog Nile lamang ang nagdadala ng
masaganang buhay sa Aprika.
C.
may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga mananakop na
taga-Europa.
D.
walang naninirahang tao dahil sa mapanganib na kalupaan at katubigan.
11.
Ipinamalas niya ang kabayanihan na gumising sa damdaming makabayan ng mga
Pranses nang kanyang pamunuan ang hukbong Pranses laban sa mga Ingles.
A.
Benazir Bhutto
B.
Elizabeth I
C.
Joan of Arc
D.
Sirimayo Bandaranaike
12.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng Estates General noong
1302, sa panahon ni Philip IV na kilala din bilang Philip the Fair?
A.
Ang mga Commoners
B.
Ang Maharlika
C.
Mga alagad ng simbahan
D.
Pangkat ng mga Franks
13.
Ang Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles ay isang kasulatan tungkol sa mga karapatan
at kalayaan. Ito ay nakilala bilang
A.
English Common Law
B.
Magna Carta
C.
Habeas Corpus
D.
Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights
14.
Saang bansa sumiklab ang himagsikan nang ipahayag ni Patrick Henry ang katagang
“Give me liberty or give me death”?
A.
Alemanya
B.
Indo China
C.
Estados Unidos
D.
Italya
15.
Ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno na mamahala ayon sa isang
kilalang prinsipyo na Vox Populi, Vox Dei.
A.
Hinirang ng Diyos ang mga hari at reyna para mamuno.
B.
Kilalanin ang tinig ng nakakarami dahil ito ang tinig ng Diyos.
C.
Mga maharlika ang pinagpala ng Diyos para sa tagumpay.
D.
Mga karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
16.
Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay higit na nakaimpluwensya sa larangan ng:
A.
Alagad ng simbahan, mga Maharlika at karaniwang tao
B.
Edukasyon, kalakalang pandaigdig at kalusugan
C.
Gobyerno, sambayan, bansa at kalayaan
D.
Pulitika, kabuhayan, sining at agham
17.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa
damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India?
A.
Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab.
B.
Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapagaral ang mga
ito sa Europa.
C.
Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala ng
Britanya sa Muslim League.
D.
Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga samahan at usapin
ukol sa paglaya ng India.
18.
Naghimagsik ang 13 kolonyang Ingles sa Amerika dahil sa mga pahirap at labis na
patakarang pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?
A.
Ang hindi makatarungang paglabag ng mga Ingles sa karapatang Amerikano na
tinawag na Intolerable Acts.
B.
Ang pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo tulad ng Stamp Act.
C.
Paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya na kilala sa tawag na Townshend
Acts.
D.
Pag-uutos ng Britanya na sila lamang ang maaaring bumili ng mga produkto ng
kolonya at ito ay tinawag na Navigation Acts.
19.
Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa mga dahilan ng
panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas?
A.
Pagbaril kay dating Sen. Benigno Aquino sa Manila International Airport
B.
Pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa
C.
Pagkakaroon ng bagong Saligang-Batas noong 1987
D.
Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa People’s Power sa EDSA
20.
Nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng ika- 18
siglo ang gitna ng Aprika dahil sa kakaibang katangian nito tulad ng disyerto,
mga ilog, kagubatan at mababangis na hayop. Dahil dito ay masasabi nating ang
Aprika, bago dumating ang mga taga-Europa ay:
A.
Isang malawak na lupaing mapanganib para sa tao at walang pamayanan dahil sa
kakulangan sa pagkain.
B.
May mahuhusay na sandatang pandigma at mga kaharian na hindi kinayang talunin
ng mga taga-Europa.
C.
May ugnayan na sa ibang kabihasnan, may sariling pamumuhay at kultura bago pa
dumating ang mga taga-Europa.
D.
Nagdulot ng mga digmaan sa mga taga-Europa dahil sa sapilitang pagpasok at
pakikialam sa mga tribo ng Aprika.
Sagot:
1. C
2. C
3. C
4. D
5. A
6. A
7. A
8. D
9. B
10. C
11. C
12. D
13. B
14. C
15. B
16. D
17. C
18. A
19. B
20. C
11. C
12. D
13. B
14. C
15. B
16. D
17. C
18. A
19. B
20. C
Takdang- aralin:
- Gumawa ng isang tula na
tumatalakay sa kahalagahan ng nasyonalismo tulad ng kalayaan at
pagkakapantay-pantay. Ang tula ay kailangan may 3-5 saknong at ang bawat
saknong ay may tig-apat na taludtod. Bigyan ng sariling pamagat na angkop
sa diwang iyong ipinahahayag.
- Sumipi ng mga larawan ng
mga pangyayaring nagpapakita ng pagiging nasyonalismo. Ipaliwanag ang mga
ito. Idikit sa short bond paper.
- Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap ay
ipaliwanag mo ang kahalagahan ng mga pahayag ukol sa Rebolusyong Pranses
at ang kaisipang pang-ekonomiya ni Adam Smith. Paano mo maiuugnay ito sa
mga nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan? Magbigay ka ng mga halimbawa
sa iyong paliwanag.
A.
Kalayaan,
Pagkakapantay-pantay ,at Pagkakapatiran
-Rebolusyong Pranses
Paliwang
: _______________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
B.
Pagbibigay ng kalayaang pang-ekonomiya (Laissez-faire) at pagtutol sa
pakikialam ng pamahalaan sa negosyo at kalakalan.
-Adam Smith
Paliwang
: _______________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento