Linggo, Enero 6, 2013

Sabado, Disyembre 15, 2012

Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo


BANGHAY ARALIN
Pangkalahatang Impormasyon
May Akda
 Hindi inilahad
Pamagat ng Aralin
Ang Pag-unlad ng Nasyonalismo
Durasyon
 45 minuto
Lugar
 Silid Aralan
Asignatura/Paksa
Araling Panlipunan III
Baitang
 Ika-9 na Baitang
Layunin at Pagsusuri
Mga Layunin
  • Maihahambing ang nasyonalismong nalinang sa Europa at sa mga kolonyal.
  • Maiuugnay ang Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansang sakop.
  • Maipahayag ang sariling pagpapahalaga sa diwa ng nasyonalismo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Pagsusuri
  • Panimulang Gawain (Word Puzzle)
  • Pangkatang Gawain (Presentasyon)
  • Pagtatanong ayon sa tinalakay na aralin.
  • Pagsasagawa ng maikling pagsusulit
  • Takdang-aralin
Paghahanda
Kagamitan/ Sangunian
  • Handouts (modyul)
  • Pisara at yeso
  • Manila paper
  • Pentel pen
  • Visual aids
Paghahanda ng mga Mag-aaral
·         Pagbabasa ng mga impormasyon patungkol sa nasyonalismo.
·         Paghahanda ng presentasyon patungkol sa paksang itinalaga ng guro sa bawat grupo.
Paghahanda ng mga Guro
·          Pangangalap ng mga impormasyon na may kinalaman sa aralin.
Pamamaraan
Gawain ng mga  Mag-aaral
Panimulang Gawain
  • Hayaang hanapin at bilugan ng mga mag-aaral ang mga salitang may kaugnayan/kinalaman sa pag-unlad ng nasyonalismo sa nakapaskil na word puzzle sa pisara.
Pangkatang Gawain
  • Mag-isip ng sariling presentasyon ang bawat pangkat na babagay sa paksang kanilang nabunot. Maaaring gumamit ng ibat’ ibang pamamaraan sa paglalahad ng presentasyon.
Gawaing Guro
Panimulang Gawain
  • Magpaskil ng word puzzle sa pisara.
Pangkatang Gawain
  • Pagpapangkat sa mga mag-aaral.
  • Pagbibigay ng panuto at gabay sa pagsasagawa ng mga estudyante  ng presentasyon.
Pangkalahatang Gawain
  • Pagsasagawa ng pagsusulit.
  • Pagbibigay ng takdang-aralin.
  • Maglahad ng mga katanungang susubok sa kaalaman ng mga estudyante hinggil sa araling tinalakay.
1.    Para sa iyo, ano ang kahulugan ng nasyonalismo?
2.    Ano ang mahahalagang pangyayaring nakapagpalaganap ng nasyonalismo sa Europa at Kolonya?
3.    Anong mga pagbabagong dala ng nasyonalismo sa Pilipinas?
4.    Sinu-sino ang nagpalaganap ng diwa ng nasyonalismo sa Asya, Latin Amerika at Aprika?


                                                                             Inihanda Nina:


Theresa Perly A. Aquino
Rose Analyn H. Magculang
                                                                             (Mga Guro)

Sinuri ni:


SHERYL R. MORALES, Ph.D
Punung-Guro








Pagsusulit:

Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan at pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.

1. Ito ay isang kasulatang naglalaman ng mga karapatan at kalayaan. Itinuturing din itong Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles.

A. Bill of Rights
B. English Common Law
C. Magna Carta
D. Writ of Habeas Corpus

2. Namuno sa hukbong Pranses at nagpamalas ng kabayanihan na gumising sa damdaming makabayan ng mga Pranses.

A. Elizabeth I
B. Indira Gandhi
C. Joan of Arc
D. Marie Antoinette

3. Sa panahon ni Philip IV, Philip the Fair noong 1302 ang Estates General ay nagkaroon ng tatlong pangkat. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa
pangkat?

A. Alagad ng simbahan
B. Commoners
C. Franks
D. Maharlika

4. Ang Vox Populi, Vox Dei ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno ayon sa paniniwalang:

A. Ang karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.
B. Ang mga hari at reyna ay hinirang ng Diyos para mamuno.
C. Ang tagumpay ng mga maharlika ay tagumpay ng Diyos.
D. Ang tinig ng nakakarami ay tinig ng Diyos.

5. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa patakarang pang-ekonomiya na nagging dahilan ng paghihimagsik ng 13 kolonyang Ingles sa Amerika, maliban sa:

A. Ang Intolerable Acts na tungkol sa di makatarungan at paglabag ng mga Ingles sa karapatang Amerikano.
B. Ang Navigation Acts na nag-uutos na sa Britanya lamang maaaring ipagbili ang mga produkto ng kolonya.
C. Ang Stamp Act na nagtakda ng pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo.
D. Ang Townshend Acts na nagtakda ng paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya.

6. Ang pahayag ni Patrick Henry na Give me liberty or give me death ay nagpasiklab sa:
A. Himagsikang Amerikano
B. Himagsikang Pilipino
C. Himagsikang Pranses
D. Himagsikang Russo

7. Alin sa mga sumusunod ang bumubuo sa mga larangan ng Rebolusyong Pangkaisipan?
A. Agham, pulitika, sining, at kabuhayan
B. Maharlika, alagad ng simbahan, at mga karaniwang tao
C. Mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberanya
D. Pabahay, pagkain, at edukasyon

8. Ang mga sumusunod ay mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India, maliban sa isa:

A. Paghamak at mababang pagtingin ng mga Ingles sa mga Hindu
B. Pagkakaroon ng mga pagpupulong at samahan na pinamunuan ng tulad nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi
C. Pagpatay sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab
D. Pagtataguyod ng Muslim League sa Basic Democracy na nagpapatatag sa mga institusyon ng bansa.

9. Ang mga sumusunod na pangyayari ay mga dahilan sa panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas, maliban sa:
A. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng 1987
B. Pagpapatupad ng Batas Militar
C. Pagpaslang kay Sen. Benigno Aquino
D. People’s Power Revolution sa Edsa

10. Ang gitna ng Aprika ay nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng 18-siglo dahil sa malawak na disyerto, malalakas na agos ng ilog, makapal na kagubatan, at malalaking hayop. Samakatuwid ang Aprika noon ay:

A. hindi kayang talunin ng mga taga-Europa dahil ang mga mandirigma ng Aprika mahuhusay sa sandatahang pandigma.
B. kontrolado ng Ehipto dahil tanging ang Ilog Nile lamang ang nagdadala ng masaganang buhay sa Aprika.
C. may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga mananakop na taga-Europa.
D. walang naninirahang tao dahil sa mapanganib na kalupaan at katubigan.

11. Ipinamalas niya ang kabayanihan na gumising sa damdaming makabayan ng mga Pranses nang kanyang pamunuan ang hukbong Pranses laban sa mga Ingles.

A. Benazir Bhutto
B. Elizabeth I
C. Joan of Arc
D. Sirimayo Bandaranaike

12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng Estates General noong 1302, sa panahon ni Philip IV na kilala din bilang Philip the Fair?

A. Ang mga Commoners
B. Ang Maharlika
C. Mga alagad ng simbahan
D. Pangkat ng mga Franks

13. Ang Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles ay isang kasulatan tungkol sa mga karapatan at kalayaan. Ito ay nakilala bilang

A. English Common Law
B. Magna Carta
C. Habeas Corpus
D. Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights

14. Saang bansa sumiklab ang himagsikan nang ipahayag ni Patrick Henry ang katagang “Give me liberty or give me death”?
A. Alemanya
B. Indo China
C. Estados Unidos
D. Italya

15. Ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno na mamahala ayon sa isang kilalang prinsipyo na Vox Populi, Vox Dei.

A. Hinirang ng Diyos ang mga hari at reyna para mamuno.
B. Kilalanin ang tinig ng nakakarami dahil ito ang tinig ng Diyos.
C. Mga maharlika ang pinagpala ng Diyos para sa tagumpay.
D. Mga karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.

16. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay higit na nakaimpluwensya sa larangan ng:
A. Alagad ng simbahan, mga Maharlika at karaniwang tao
B. Edukasyon, kalakalang pandaigdig at kalusugan
C. Gobyerno, sambayan, bansa at kalayaan
D. Pulitika, kabuhayan, sining at agham

17. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India?

A. Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab.
B. Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapagaral ang mga ito sa Europa.
C. Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala ng Britanya sa Muslim League.
D. Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga samahan at usapin ukol sa paglaya ng India.

18. Naghimagsik ang 13 kolonyang Ingles sa Amerika dahil sa mga pahirap at labis na patakarang pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito?

A. Ang hindi makatarungang paglabag ng mga Ingles sa karapatang Amerikano na tinawag na Intolerable Acts.
B. Ang pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo tulad ng Stamp Act.
C. Paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya na kilala sa tawag na Townshend Acts.
D. Pag-uutos ng Britanya na sila lamang ang maaaring bumili ng mga produkto ng kolonya at ito ay tinawag na Navigation Acts.

19. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa mga dahilan ng panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas?

A. Pagbaril kay dating Sen. Benigno Aquino sa Manila International Airport
B. Pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa
C. Pagkakaroon ng bagong Saligang-Batas noong 1987
D. Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa People’s Power sa EDSA

20. Nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng ika- 18 siglo ang gitna ng Aprika dahil sa kakaibang katangian nito tulad ng disyerto, mga ilog, kagubatan at mababangis na hayop. Dahil dito ay masasabi nating ang Aprika, bago dumating ang mga taga-Europa ay:

A. Isang malawak na lupaing mapanganib para sa tao at walang pamayanan dahil sa kakulangan sa pagkain.
B. May mahuhusay na sandatang pandigma at mga kaharian na hindi kinayang talunin ng mga taga-Europa.
C. May ugnayan na sa ibang kabihasnan, may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga taga-Europa.
D. Nagdulot ng mga digmaan sa mga taga-Europa dahil sa sapilitang pagpasok at pakikialam sa mga tribo ng Aprika.


Sagot:



1. C
2. C
3. C
4. D
5. A
6. A
7. A
8. D
9. B
10. C
11. C
12. D
13. B
14. C
15. B
16. D
17. C
18. A
19. B
20. C



Takdang- aralin:

  1. Gumawa ng isang tula na tumatalakay sa kahalagahan ng nasyonalismo tulad ng kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang tula ay kailangan may 3-5 saknong at ang bawat saknong ay may tig-apat na taludtod. Bigyan ng sariling pamagat na angkop sa diwang iyong ipinahahayag.

  1. Sumipi ng mga larawan ng mga pangyayaring nagpapakita ng pagiging nasyonalismo. Ipaliwanag ang mga ito. Idikit sa short bond paper.

  1. Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap ay ipaliwanag mo ang kahalagahan ng mga pahayag ukol sa Rebolusyong Pranses at ang kaisipang pang-ekonomiya ni Adam Smith. Paano mo maiuugnay ito sa mga nangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan? Magbigay ka ng mga halimbawa sa iyong paliwanag.

A.     Kalayaan, Pagkakapantay-pantay ,at Pagkakapatiran

-Rebolusyong     Pranses

Paliwang : _______________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.

B. Pagbibigay ng kalayaang pang-ekonomiya (Laissez-faire) at pagtutol sa pakikialam ng pamahalaan sa negosyo at kalakalan.

-Adam Smith

Paliwang : _______________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________.